The email verification link is expired. How do I request a new link?
Ang pagkakaroon ng expired links ay madalas nangyayari kapag paulit-ulit ang request para sa verification email o kaya naman ay lumampas na sa 24 hours ang validity ng link na natanggap mo.
Ang suggestion namin ay mag-resend ulit ng verification email at siguraduhing ang pinakabago (most recent) na email ang bubuksan mo.
Narito ang steps:
1. Mag-login sa iyong WorkAbroad account – https://www.workabroad.ph/candidate/login.
2. I-click ang “Resend Verification” button na makikita sa tabi ng iyong email address.

3. I-check ang iyong inbox o spam folder para sa WorkAbroad.ph Account Verification email. Kung may makita kang maraming emails, buksan ang pinaka-latest.
4. I-click ang “Verify Account”. Tandaan na valid lang ang link sa loob ng 24 hours, kaya i-verify na agad bago ito mag-expire.