How do I upload or change my WorkAbroad resume photo?

Ang paglalagay ng profile photo ay nakakatulong para maging mas personalized ang iyong resume at mas madaling mapansin ng mga employers. Sundin ang steps na ito para makapag-upload ng photo gamit ang iyong dashboard: 

1. Mag-login sa https://www.workabroad.ph/candidate/login. Ilagay ang iyong registered email at password, tapos i-click ang ‘Log In’. 

2. Kung gamit ay desktop, i-click ang ‘My Resume’ tab. Kung mobile browser naman, i-click ang three horizontal lines sa upper right corner at piliin ang ‘My Resume’. 

3. I-click ang “Upload Profile Photo” button na makikita sa ilalim ng profile picture placeholder. 

4. May lalabas na file selection window. Pumili ng malinaw at professional na photo mula sa iyong device (JPEG o PNG formats ang madalas na tinatanggap). 

5. Kapag napili na ang image, magsisimula na itong mag-upload. 

6. After mag-upload, pwede mong i-crop o i-adjust ang image kung kailangan. 

7. I-click ang “Submit” para ma-update ang iyong profile photo. 

 

Tips para sa Magandang Profile Photo: 

  • Clear Headshot: Dapat malinaw at nakaharap ka sa camera.
  • Plain Background: Hangga't maaari, pumili ng background na simple o plain lang. 
  • No Filters: Iwasan ang selfies na may filters o 'yung may kasamang ibang tao sa photo (group photos). 
  • Proper Attire: Magsuot ng maayos na damit (professional o semi-casual). 

 

Nahihirapang mag-upload? 

  • File Size: Siguraduhing hindi masyadong malaki ang file (dapat under 2MB lang). 
  • File Type: Gamitin ang tamang format gaya ng .jpg, .jpeg, or .png. 
  • Browser Issue: Kung ayaw pa rin, subukang gumamit ng ibang browser. 


Was this article helpful?

0 Out of 0 Marked As Helpfull

Have more questions? Please Contact Us