How do I verify my email address?
Ang pag-verify ng iyong email ay importante para siguradong matatanggap mo ang lahat ng updates sa job applications at notifications mula sa mga employer. Ganito lang ang gagawin sa iyong dashboard:
1. Mag-login sa iyong WorkAbroad.ph account – https://www.workabroad.ph/candidate/login.
2. Pagka-login, mapupunta ka sa iyong Candidate Dashboard.
3. Kung hindi pa verified ang email mo, may makikita kang message box na nagsasabing: “Verify Your Email. Ready to apply for your dream job overseas? Verify your email and complete your WorkAbroad profile now.”

4. I-click ang “Resend Verification” button.
5. May lalabas na confirmation message na naipadala na ang email.
6. Pumunta sa iyong email inbox (gamitin ang email na ni-register mo).
7. Hanapin ang email na may subject: "WorkAbroad.ph Account Verification".
8. I-check din ang iyong Spam folder kung wala ito sa inbox after a few minutes.
9. Buksan ang email at i-click ang “Verify Email” button.
10. Ma-re-redirect ka sa confirmation page ng WorkAbroad.ph na nagsasabing verified na ang email mo.
Important Reminders:
* Be Updated: Siguraduhing i-verify ang email para makatanggap ng application updates at job alerts.
* Wait Lang: Kung hindi agad dumating ang email, maghintay ng ilang minuto bago i-click ulit ang resend.
* Double Check: Kung wala pa rin, i-check kung tama ang nailagay mong email address o tingnan ang iyong spam folder.
* Don't Delay: Valid lang ang link sa loob ng 24 hours, kaya i-verify na agad bago ito mag-expire.