How do I apply for a job on WorkAbroad?
Kapag kumpleto na ang profile mo, pwede ka nang mag-apply sa mga overseas job openings na pinost ng mga DMW (formerly POEA)-licensed agencies. Sundin lang ang steps na ito para makapag-submit ng application:
1. Mag-Log In sa Iyong Account: Pumunta sa https://www.workabroad.ph/candidate/login. Ilagay ang iyong registered email at password, tapos i-click ang ‘Log In’.
2. Mag-search ng Trabaho:
- Gamitin ang search bar sa homepage o dashboard.
- Mag-type ng keywords gaya ng iyong desired job title. (Tip: Kung two-word ang position, gamitin ang exact words).
- Pwede ring gumamit ng filters para mas mapadali ang paghahanap (hal. job specialization, country, o no placement fee).
3. Tingnan ang Job Details:
- I-click ang job card sa search results para makita ang detalye.
- Basahin nang mabuti ang: Job Description, Qualifications, Work Location, at Agency Name.
4. I-click ang “Apply Now”:
- Kung swak sa'yo ang trabaho, i-click ang ‘Apply Now’ button at i-click ang ‘Submit Application’ sa confirmation page.
- *May lalabas na message na: “Good Luck! You have successfully applied for...”
Reminders sa Pag-apply:
- Keep it Updated: Siguraduhing kumpleto at updated ang iyong online resume.
- Multiple Applications: Pwedeng mag-apply sa maraming jobs, pero iwasan ang pag-submit ng duplicate applications sa iisang agency lang.
- Save Job: Gamitin ang “Save Job” feature para i-bookmark ang mga trabahong gusto mo munang balikan.
Common Issues: - Hindi makapag-apply? I-check kung verified na ang email mo at kung kumpleto na ang online resume fields.
- Walang response? Ang mga agency ang may hawak ng kanilang hiring process at madalas ay shortlisted candidates lang ang kinokontak nila.