How do I update my WorkAbroad online resume?

Ang pagpapanatiling updated ng iyong online resume ay nagpapataas ng tsansa mong mapansin ng mga employer at mai-match sa mga job opportunities na swak sa iyong skills at experience. 

Narito ang steps para ma-update ang iyong profile: 

1. Pumunta sa https://www.workabroad.ph/candidate/login. Ilagay ang iyong registered email at password, at i-click ang ‘Log In’. 

2. Kung gamit ay desktop, i-click ang ‘My Resume’ tab. Kung mobile browser naman, i-click ang three horizontal lines sa upper right corner at piliin ang ‘My Resume’. 

3. I-fill out ang mga sumusunod: 

  • Personal Information 
  • Work Experience 
  • Educational Attainment 
  • Licenses & Certifications 
  • Government Documents 
  • Mag-upload ng malinaw at professional na photo (optional). 

4. Huwag kalimutang i-click ang "Save" button para ma-save ang lahat ng changes. 

Mas Mabilis na Pag-apply gamit ang Resume Parsing 

Ano ang Resume Parsing? Ito ay isang bagong feature kung saan i-u-upload mo lang ang iyong resume file, at ang system na ang bahalang kumuha ng mahahalagang details gaya ng: 

  • Work experience at Job titles 
  • Educational background at Skills 
  • Employment dates 

Paano ito nakakatulong? 

  • Pre-fill Feature: I-a-auto-fill nito ang profile mo. I-che-check mo na lang kung tama ang info, mag-edit kung kailangan, at i-submit. 
  • Less Effort: Hindi na kailangan ang masyadong maraming manual encoding. 
  • Result: Mas mabilis ang registration at mas efficient ang pag-apply sa jobs abroad. 

 

Bakit mahalaga ang Kumpletong Profile? 

Sa paghahanap ng trabaho abroad, ang detalyadong profile ang iyong "ticket." Mas kumpleto ang info mo, mas madali kang ma-evaluate ng mga licensed recruitment agencies. Gamit ang Resume Parsing, mas mapapabilis ang: 

  • Profile completion at organization ng work history. 
  • Pag-submit ng applications at visibility sa mga employer. 

 

Mobile-Friendly Application 

Alam naming mobile ang gamit ng karamihan, kaya naman mas pinadali at ginawang smooth ang My Resume at registration pages. Pwede kang mag-update at mag-apply anytime, anywhere gamit ang iyong phone! 

 

Paano Simulan ang Mas Mabilis na Pag-apply? 

Gusto mo ba ng legit jobs abroad na less hassle? Subukan na ang Resume Parsing: 

1. Log in sa iyong account. 

2. Upload your resume. 

3. Review the pre-filled details. 

4. Edit if needed. 

5. Start applying! 


Related Articles: 

How do I upload or change my WorkAbroad resume photo?

How do I attach my resume?

Was this article helpful?

0 Out of 0 Marked As Helpfull

Have more questions? Please Contact Us