How do I attach my resume?
Ang pag-attach ng iyong resume ay nakakatulong para mas makita ng mga employer ang iyong qualifications at para tumaas ang tsansa mong matanggap sa trabaho. Sundin ang mga simpleng steps na ito para ma-upload ang iyong resume sa WorkAbroad.ph profile:
1. Mag-login sa iyong WorkAbroad.ph account – https://www.workabroad.ph/candidate/login.
2. Kung gamit ay desktop, i-click ang ‘My Resume’ tab. Kung mobile browser naman, i-click ang three horizontal lines sa upper right corner at piliin ang ‘My Resume’.
3. I-click ang “Choose a file to upload” o ang “Browse” button.
4. Piliin ang iyong resume file mula sa iyong device (Tandaan: Word at PDF formats lang ang accepted, at dapat hindi hihigit sa 2MB).
5. I-click ang ‘Save’ para ma-attach ito sa iyong profile.
Tips para sa Mas Solid na Resume:
- Professional Look: Gumamit ng format na malinis at updated.
- Contact Info: Siguraduhing tama at active ang iyong contact details.
- Highlight Skills: I-highlight ang iyong mga skills at relevant na work experience.
Related Articles: